Jaclyn Jose tinalakan si Pinky Amador

Tempo Desk
2 Min Read
JACLYN Jose (FB)

BY JUN NARDO

 

*

 

FRST first timer JUN NARDO

TILA hindi sapat para sa award-winning actress na si Jaclyn Jose ang paliwanag ng kapwa artistang si Pinky Amador kaugnay sa kumalat na video kung saan makikita at maririnig itong si Pinky na tinatarayan ang staff ng building na tinitirhan niya.

Mahinahon pa una si Ja­clyn sa simula ng kan­yang post.

Aniya, “To Ms. Ama­dor, wag naman po ganun.

“Paano po ang mga kapatid, asa­wa, at iba pang lahi ng taong minura ninyo? Habang buhay nilang dadalhin ang panglalait niyo. Media at Instagram lang ang laban nila.

“Do not persecute yung naglabas ng video kasi nana­kot po kayo na saktan nyo. Sila, video lang ang kakampi.

JACLYN Jose (FB)
JACLYN Jose (FB)

“Frontliner po sila na hindi niyo alam kung paano sila nakarating sa trabaho. Three weeks lockdown po di po ba?

“Kinal­adkad mo mga ar­tista kaya wala na nagtitiwala sa atin dahil sa mga katulad mo. Dinadamay niyo kami na may puso sa katulad ng mga tao na ito.”

Nagbago ang tono ni Jaclyn bandang huli ng kanyang men­sahe kay Pinky.

Diin niya, “How dare you! This is my people na nagsisilbi. Alam mo ba ang dinadaanan nila just to get to work? Magla­lakad, nakikipagsapalaran kung ano puwede masakyan. Tapos mumurahin mo mula ulo na parang nabili mo? Ikaw ang gaga! Tanga! Mag-mask ka at mag-gloves ka…or yet stay in your home!”

Wala pang tugon si Pinky sa patutsada ni Jaclyn as of this writing.

Bago ito, inalmahan din ni Jaclyn ang pagdepensa ni Viv­ian Velez sa inasta ni Pinky.

Nagbitaw ito ng masasakit na salita laban sa Director General ng Film Academy of the Philippines (FAP).

Nguni’t di kalaunan ay hum­ingi din siya ng dispensa kay Vivian.

Aniya, “To Ms. Vivian Velez I am sorry for what I have said…I know what kind of a person you are, didn’t mean to lambast you. Mali ako. You are a friend, a family friend for that mat­ter…again I apologize.”

Share This Article
Leave a Comment