May patama!

Tempo Desk
2 Min Read
JANINE Gutierrez (FB)

timing tmg tg

 

 

SA isang post ni Jan­ine Gutierrez sa socmed kamakailan ay ginawan niya ng meme ang con­troversial birthday party ni National Capital Re­gion Police Office (NCRPO) Chief Major General De­bold Sinas.

Ginamit niya ang isang photo ng alleged celebra­tion at isiningit niya ang kanyang mukha dito na parang kasama siya sa mga wellwishers ng hen­eral.

JANINE Gutierrez (FB)
JANINE Gutierrez (FB)

Ginaya rin ni Janine ang sinabi ni Sinas na edited ang photos. Na last year pa raw yun, at pati ang suot nitong damit ay inu­lit lang din daw.

May video post pa si Janine na kunwari’y nag-aayos siya na ang caption ay “Me getting ready for my ‘accidental’ birthday party.” Ito rin kasi ang sinabi ni Sinas na acci­dental lang ang kanyang birthday party.

Naku, huh! Aliw ang meme pero ang lakas ng patama!

 

NAGKAALAMAN

RYAN Agoncillo and Judy Ann Santos
RYAN Agoncillo and Judy Ann Santos

Kaaliw ang game na nilaro nina Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos at Jericho Rosales sa socmed recently.

Ito ay para sa “Gabi Na Naman With Jericho Rosales” kung saan nag-iimbita si Echo ng mga makakakulitang celebs.

Patok ang gimik na ito ni Echo, huh! Ito nga at tila dumarami na ang tumu­tutok sa online series.

Anyway, sa segment, napatunayan kung gaano kakilala nina Juday at Ryan ang isa’t-isa. Ha­los lahat ng sagot nila tumpak.

Alam ni Ryan kung ano favorite expression ni Ju­day pati na ang crush nito.

JERICHO Rosales
JERICHO Rosales

Napag-alaman din sa segment na crush ni Ryan si Heart Evangelista, something na ikinagulat ni Echo.

Inasar siya ni Juday: “O, sino’ng pinagpawisan?” Tameme si Echo.

Common knowledge na naging girlfriend ni Jericho si Heart.

Sa isang interbyu nga’y sinabi noon ni Heart na si Echo ang greatest love niya. Sadly, hindi sila ang nagkatuluyan.

Kasal na si Heart kay Chiz Escudero while Echo found his forever in Kim Jones na­man.

Share This Article
213 Comments