Umaariba!

Tempo Desk
2 Min Read
KIRAY Celis (FB)

 

BY RUEL MENDOZA

 

*

 

KIRAY Celis (FB)
KIRAY Celis (FB)

TILA naging misyon na para kay Kiray Celis ang maghatid aliw sa mga taong patuloy ang pagdurusa sa ilalim ng Enhanced Community Quar­antine (ECQ).

Ito nga at panay-panay ang pag-ariba nito sa TikTok.

Take note, hindi siya mag-isa. Dinamay pa niya sa ka­lokohan ang ilang family members, pati na ang pog­ing boyfriend na si Stephan Estopia sa ginagawa niyang TikTok videos.

Kwela ang mga videos ni Kiray. Gumagamit pa nga ito ng mga dati pang dance songs katulad ng “Hey Ya!” at “Asereje” para lang maiba siya sa sanrekwang celebri­ties na abala rin sa paggawa ng TikTok videos.

At may research pang kasama.

Ani Kiray, “Naghanap ta­laga ako sa TikTok ng pina­kanakakatawa na kapag pinanood ko mismo ako natatawa.

“Ayoko makisabay sa mga bagong uso. Di kami sa mga bagong steps kasi sabi ko para unique kami,” dagdag paliwa­nag ng cute na komedyante.

Natutuwa siya at support­ive ang boyfriend sa paandar niya.

Biro pa ni Kiray, “Yung boy­friend ko wala siyang choice kundi sumama.

“Wala siyang choice dahil magagalit talaga ako, pero super supportive ng boyfriend ko. Kung ano gustong gawin ng family, kung ano gusto kong gawin, talagang ginagawa niya, talaga basta mapasaya ako.”

Pati ang mahiyain na tatay ni Kiray ay napilit din niyang lumabas sa TikTok.

“Nahirapan talaga ako kay papa kasi ayaw mag-video ng papa ko pero nagulat ako ka­pag pinanood mo ‘yung video, eh mukhang hindi naman siya napilitan sa ginawa niya!”

Share This Article
1 Comment