Coco Martin at Angelica Panganiban, may bagong movie

Tempo Desk
3 Min Read
COCO Martin and Angelica Panganiban (IG)

timing box

 

 

KASADO na ang peli­kulang pagtatambalan for the first time nina Coco Martin at Angelica Panganiban. “Love or Money” ang working title na si Mae Cruz-Alviar ang director.

COCO Martin and Angelica Panganiban (IG)
COCO Martin and Angelica Panganiban (IG)

Susubukang maihabol ito for Val­entine’s Day offering ng Star Cin­ema. Nagkatrabaho na sina Coco at Angelica sa “Ang Probinsiyano” kung saan one-month nag-guest si Angelica.

Siyempre, iba kung sa pelikula sila magkakatrabaho, kaya kapuwa excited sina Coco at Angelica na makapagsimula na sila mag-shoot ng kanilang movie. Rom-Com ito na inaasahang susuportahan ng moviegoers ang bagong kumbi­nasyong Coco at Angelica.

 

BAGAY DIN

First time magkakatrabaho nina Gabby Concepcion at Marian Rivera sa upcoming serye ng GMA7, ang “First Yaya.” Sa March 2020 daw ang airing nito. Ginawa na ang plug shoot nito a few days ago.

Maganda ang naging bunga ng pagkakabati ni Marian and her for­mer manager na si Popoy Caritativo. Noong nagkaroon sila ng falling-out, hindi puwedeng makatrabaho ni Marian ang mga alagang talents ni Popoy.

Kabilang si Gabby sa mga alagang talents ni Popoy and because, okey na sila ni Marian, hayan at magkaka­trabaho na sina Gabby at Marian.

In fairness, kahit 20 years ang age gap nina Gabby at Marian, bagay pa rin sila. Para kasing hindi tumatanda ang face ni Gabby at bagay pa rin si­yang ipareha sa younger Kapuso actresses.

Nakapareha na niya sina Carla Abellana, Sunshine Dizon at Jennylyn Mercado.

 

DI TYPE?

MILES Ocampo
MILES Ocampo

NBSB (No Boyfriend Since Birth) si Miles Ocampo. At 20 something, hindi pa rin siya handang magka-BF. Sa isang interbyu kay McCoy de Leon, sinabi niyang gusto ni­yang maging girlfriend si Miles. Anang huli, friendship lang ang kaya niyang ibigay kay McCoy. O, hindi lang niya ito type?

Ani Miles, may mas mahahala­gang bagay na kailangang pagtuu­nan niya ng pansin, kesa pagbo-boyfriend.

For now, career, studies at family ang priorities ni Miles. Never niyang inisip na mag-quit sa showbiz kahit naunahan na siya ng ibang kapana­bayan niya. Naniniwala si Miles na sa tamang panahon ay darating din ang big break sa kanyang career.

Share This Article