Nakamotor ka nga, mabaho ka naman!

Tempo Desk
3 Min Read

alex calleja

 

 

 

 

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa bu­hay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*  *  *

Hi Alex,

Ang traffic na talaga dahil malapit na mag­pasko! Sobrang traffic! Mapa-EDSA, mapa-C5, ultimo eskinita, traffic na! Ang hirap naman mag-MRT kasi puno at may kabagalan ang tak­bo. Nakakainggit tuloy ang mga motor sa daan. Nakakasingit sila at hindi nata-traffic. Napapaisip tuloy ako na bumili ng motor. Ano sa tingin mo Tito Alex, bumili na ba ako ng motor?

Ronaldo ng Alabang

Hi Ronaldo,

Huwag kang bumili ng motor! At wag kang maing­git sa mga nakamotor! Oo, nakakasingit sila! Oo, mabilis sila kasi hindi sila natatraffic! Pero ito ang sasabihin ko sayo, hindi lahat nakakaing­git sa mga naka-motor. Ka­pag ikaw nagmotor sa EDSA, mabilis ka nga pero langhap mo lahat ng usok! Pagdating mo sa bahay mo, malalaman mo kung ano ang amoy ng EDSA kasi nakadikit sa damit mo. Saka, delikado ang naka-motor, takaw aksidente, kon­ting kadyot sayo ng kotse, tilapon ka, paano pa kung bus o truck? Mahina-hina ang baling buto! At hindi naman laging sila ang mabilis, bum­abagal din sila lalo na kung tag-ulan, lahat sila nagtatago sa ilalim ng tulay!

*  *  *

Hi Alex,

May katabi kaming ginagawang bahay. Mad­aming mga construction workers. Napansin ko lang, ang gaganda ng mga katawan ng mga construction workers! Araw-araw ako nag-gi-gym pero hindi naman ganun kaganda ang katawan ko. Nakikita ko rin ang lakas nila sa kanin eh ako may pa-low-carb low-carb diet pa! Ano ba sikreto ng mga construction workers at magaganda ang katawan nila?

Marlon ng Pasay City

Hi Marlon,

Wala silang sikreto! Yung gym mo na puro hi-tech equipment, may katumbas sa construction site yun! Mga binubuhat niyong dumbbells at barbells, buhangin lang at semento sa kanila yun! Diet diet pa kayo! Kumakain nga sila ng maraming kanin pero hindi sila tumataba dahil once a day lang sila kumakain!

*  *  *

Hi Alex,

Napapansin ko na lagi ng umuuwi ng maaga ang asawa ko mula sa office. Ano kaya ang dahilan nito?

Jubilee ng Man­daluyong

Hi Jubilee,

Baka natanggal na siya sa trabaho o kaya may bago na kayong maid na maganda kaya maaga siya umuuwi! Check mo!

*  *  *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

 

Share This Article
1 Comment