Ayaw sa retoke

TEMPO Online
2 Min Read

Bagama’tmaraming pumupuna sa kanyang hitsura, hinding hindi raw magpaparetoke si Juliana Parizcova Segovia, ang nanalong Miss Q & A 2018.

Aniya sa interview with DZMM, “Ito ‘yung nagdala sa akin sa kung nasaan ako ngayon kaya dito lang siya, gan­yan lang.”

Malaki-laki rin ang premyong nai­uwi ni Juliana, kasama na ang re­toke package na nagkakahalagang R500,000.

Nguni’t kahit pustiso ay hindi raw siya magpapagawa.

“Since nagsimula ‘yung career ko dito na ganito (ang mukha ko) so im-maintain ko na lang ‘tong ganito… kasi ito na ‘yung nagdala sa akin sa tagumpay. Malayo pa ‘yung mararat­ing ng mukhang ‘to e,” diin niya.

Kung may pagkakagastusan man daw ang reigning Miss Q & A ito ay ang mapauwi ang kanyang ina na may 24 years nang nagtratrabaho bilang do­mestic helper sa Hong Kong.

“Sinabi ko talaga sa sarili ko na hindi ko na pagtatrabahuhin si mama sa abroad, though gusto pa niyang umalis ulit. Sabi ko huwag na. Alam ko na re­sponsibilidad ko. Alam ko na ‘yung dapat kong gawin,” sabi niya.

Aminado si Juliana na dati rin si­yang nahirapang ipaunawa sa saril­ing mga magulang ang pagiging bakla niya.

Bilang Mss Q & A 2018, gusto ni­yang ipaabot sa mga ibang magulang na dapat matutunan nilang tanggapin ang kasarian ng kanilang mga anak.

Ulila na sa ama si Juliana. Sumak­abilang buhay ito dulot ng liver can­cer noong siya ay bata pa.

Ngayon nga na nag­sisimula nang gu­manda ang buhay niya, naniniwala si Juliana na walang imposible sa mun­do.

Para sa mga katulad niya na may gusto ring marating sa bu­hay, payo ni Juli­ana, “Just follow your heart.” (Tria Corpuz)

Share This Article
195 Comments