By DELIA CUARESMA
Ayun na nga mga mars, inisplok na ni Nikko Natividad ang kanyang kinalaman sa kumakalat na sex video ng ilang mga showbiz celebrities.
Matatandaang biglang sikat ang ilang mga pangalan ilang araw na ang nakalilipas dahil nga sa sex video na ito, kasama na sina Arron Villaflor, Ron Angeles, Gil Cuerva and, yes, si Nikko.
Emosyunal na humarap ang actor-comedian sa vlog ni Ogie Diaz kung saan inamin niyang hindi lookalike yun kung hindi totoong siya nga ang lalaking nasa kumakalat na video.
Walang paligoy-ligoy na inako ni Nikko ang kanyang pagkakamali—at aminadong wala siyang maibibigay na dahilan para pagtakpan ito.
“Sabi ko nga po, walang words na puwedeng magpabawas o mag-cover up sa nagawa ko,” ani Nikko. “Walang dahil nag-away kami ng asawa ko o lasing ako. Wala. Lahat ng ginawa ko mali.”
Diretso rin niyang sinabi ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat.
“Sa madaling salita, sabi ko sa wife ko, nademonyo ako. Natukso, bumigay ako. Walang ibang reason. Mali ako.”
Ayon sa kanya, matagal na raw niyang kinatatakutan na balang araw ay lalabas ang video. Last year pa nga raw ay may mga nagbabalitang ibinebenta na ito sa Telegram.
“Sinusubukan ko lang i-delay kasi natatakot akong mawala ang pamilya ko,” pag-amin pa niya.
Mas lalo raw siyang nadurog nang makita ang reaksyon ng kanyang asawa na si Cielo Mae Eusebio.
“Iyak siya nang iyak. Wala akong magawa. Paulit-ulit niyang tinatanong kung may kulang ba sa kanya,” kuwento ni Nikko.
Ngunit ang pinakamatinding tumama sa kanya ay ang mensahe ng kanyang anak.
“Tinext ako ng anak ko. Sabi niya, ‘Dad, I love you. I know God will forgive you.’ Hagulgol ako noon,” aniya.
Sa kabila ng lahat, isang pakiusap lang ang binitawan ni Nikko sa publiko: “Sana huwag tirahin ang pamilya ko, ako na lang. Kaya kong tanggapin ang masasakit na salita kasi deserve ko ’yon.”
Sa ngayon, ang tanging layunin daw niya ay maibalik ang tiwala ng kanyang pamilya—lalo na ng asawa at mga anak na labis niyang nasaktan.
