Angela Morena, may award na!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Tuloy-tuloy na talaga ang pag-angat ng career ni Angela Morena!

Isa sa pinakamatapang at pinakasikat na VMX stars, hindi na lang sa hubaran palaban si Angela, pinatunayan niya kamakailan na may ibubuga rin siya sa aktingan!

At may tropeyo na siya na maipagmamalaki bilang pruweba!

Kinilala bilang Best Actress sa katatapos lang na 1st CineSilip Film Festival si Angela para sa kanyang makabagbag-damdaming pagganap sa pelikulang “Pagdaong.”

Sa pelikula, ginampanan ni Angela ang papel ng isang babaeng dumaraan sa emosyonal na paglalakbay.

Ayon sa mga nakapanood, dama raw talaga nila ang bawat luha, bawat katahimikan, at bawat titig ni Angela sa kamera.

Hindi nakapagtatakang umani ito ng papuri mula sa mga hurado at manonood.

Sa kanyang acceptance speech, simpleng sinabi ni Angela, “Maraming salamat sa lahat ng sumuporta — sa buong cast, crew, at sa mga manonood na nanood ng ‘Pagdaong.’ Ito po ay para sa ating lahat.”

Bago pa ito, sandamkmak na ang fans ni Angela na tunay na mala-diyosa sa kagandahan.

Take note, all natural ang beauty niya!

Hindi kaya maengganyo siya magpa-enhance para sa tuloy tuloy na pamumukadkad ng career?

No way, ani Angela.

“Kuntento na ako sa kung anong meron ako at sa kung ano ako. I’m happy,” diin niya.

Kami din!

Anyway, sa bagong tagumpay niyang ito, walang duda, si Angela ay hindi lang daring, kundi tunay na de-kalibreng aktres na handang lumaban sa mundo ng pelikulang Pilipino.

Bongga!

Share This Article