Mark Herras milyonaryo na

Tempo Desk
2 Min Read
MARK Herras (FB)

 

BY RUEL MENDOZA

 

*

MARK Herras (FB)
MARK Herras (FB)

 

MUKHANG pumabor kay Mark Herras ang quanratine.

Dahil sa kawalan ng trabaho, nadiskubre muli ni Mark ang passion niya for dancing.

Ito nga at namamayagpag muli ang tinaguriang Bad Boy Of The Dancefloor, this time, sa TikTok.

Umabot na sa isang milyon ang followers niya sa sikat na platform.

Hindi inaasahan ni Mark na marami ang magpafollow sa kanya sa TikTok dahil sinubukan lang daw niya ang naturang app.

Na-inspire ang actor-dancer sa mga nakikitang netizens na nagpo-post din ng mga videos nila.

Dahil na rin sa pag-uudyok ng kanyang girlfriend na si Nicole Donesa, eventually bumigay si Mark at ipinamalas muli ang kanyang galing sa pagsayaw via TikTok.

Nagsimulang mag-trend sa social media ang dance videos niya on TikTok dahil sa mga dati niyang fans na na-miss ang kanyang pagsayaw sa telebisyon noon.

Kabilang sa nakakuha ng maraming atensyon ay ang TikTok video niya kunsaan sinayaw niya ang kanyang signature dance na “Average Joe.”

Hindi naman sinu-solo ni Mark ang achievement na ito.

Pinasalamatan niya ang mga fans lalo na si Nicole sa pag-inspire sa kanya.

“Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!!! Sooolid!!! @nicole_ donesa I love you!” post na pasasalamat ni Mark.

 

Share This Article