Mga bagong nanay!

Tempo Desk
2 Min Read
CARLO Gonzales and Luane Dy (IG)

FRST first timer JUN NARDO

 

 

NANGANAK na ang “Unang Hirit” host na si Luane Dy. Lalaki ang first born nila ng aktor na si Car­lo Gonzales, pinsan ni Dingdong Dantes.

Ang isa pang Kapuso artist na nakatakdang manganak sa susunod na buwan ay si Max Col­lins, misis ng aktor na si Pancho Magno.

CARLO Gonzales and Luane Dy (FB)
CARLO Gonzales and Luane Dy (FB)

Dahil ongoing pa rin ang Enhanced Commu­nity Quarantine (ECQ) at tila hindi pa nga alam ang kahihinatnan nito, balak ni Max na man­ganak sa bahay na lang through water birth. Waiting siya sa approval ng doctor sa nais niya.

Samantala, pinaalam na sa publiko ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia na magkakaroon na rin sila ng supling.

Gaya nina Marco Alcaraz at Lara Quigaman, na expectant din sa kanilang pangatlong anak, nilinaw ng mag-asawa na hindi gawa ang bata sa kasagsagan ng ECQ.

Defensive, huh!

 

ALDEN Richards and Maine Mendoza
ALDEN Richards and Maine Mendoza

MAGBABALIK

Abangers ang buong AlDub Nation sa pagbabalik sa “Eat Bulaga!” ng “Kalye Serye.” Ito lang naman ang series na nagpabago ng land­scape ng noontime tele­vision matapos mabuo ang phenomenal hit tan­dem nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Unang nakilala as Yaya Dub sa “Bulaga” si Maine. Sumikat dito ang Pabebe Wave ng dalawa dahil split screen lang ang dra­ma nila.

Maraming dinaanang challenges bago nagkrus ang kanilang landas!

Balikan ang super-kilig mo­ments ng AlDub loveteam na gumawa ng history sa Philip­pine television!

Share This Article
1 Comment