Calendar method

Tempo Desk
3 Min Read

 

rica

Ms. Rica,

Minsan na akong nagresearch sa kung anong puwedeng natural methods ng fertility. Nabasa ko minsan ‘yung tungkol sa calendar method sa pag-alam kung kelan fertile at hindi si misis. Gusto ko sanang mas maintindihan ito para alam namin when ba ‘yung optimal time para makabuo kami. Salamat nang marami.

Calendarius

 

Hello Calendarius,

Maganda ang pagfa-family planning para masiguradong prepared kayo sa pagkakaroon ng baby sa inyong buhay.

As early as now, I would suggest you see your doctor regularly para maging optimal din pati ang nutrition ninyong mag-asawa. Nakatutulong din ito sa pag­taas ng tsansa ng pagbubuntis ni misis.

Ang calendar method ay isang form ng fertility awareness methods na maaaring gamitin upang mabawasan ang risk ng pagbubuntis or ang pag-alam kung kelan mataas ang probability nito.

Usually, ang mga nagta-try mag-con­ceive ay nagsesex during the window ng fertility at kung ang goal naman ay contraception, iniiwasan ang mga araw na ito.

Ang calendar method ay based sa menstrual cycle at history. Pero kail­angan mo itong i-monitor without any hormonal contraception para malaman kung gaano kahaba talaga ang men­strual cycle.

Madali ito lalo na sa mga regular ang cycle. Hanapin ang shortest cycle at ba­wasan ng 18. Ang numerong makukuha ay ang gagamiting bilang from the first day ng cycle at ito ang first fertile day.

Ang last fertile day naman ay kukunin ang longest cycle at binabawasan ng 11. Kunyari, ang shortest cycle ay 28 days at longest cycle ay 31 days. Ang 10th day after first day ng mens ay ang unang araw ng fertility at ang 20th day naman ang last day.

Meron kang 10 days na window para sa fertility.

Kailangan mong tandaan na ang cal­endar method ay hindi ganoon ka-reli­able kung ang cycle ay mas maiksi sa 27 days or irregular. Ang method na ito ay pinaka-applicable for those na hindi mas matagal sa 32 days ang cycle at hindi mas maiksi sa 27 days.

Like I said, better to make appoint­ments with your doctor to help you plan with this conception. Good luck sa inyong baby-making! ‘Wag kalimutang enjoyin ito and be safe, in more ways than one! #takeitfromthesexymind

With love and lust,

Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind.

Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Couples and Sex Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

Share This Article
4 Comments