By Dandan A. Bantugan
CANDIJAY, Bohol – Nagbigti diumano ang isang lalaki sa Brgy. La Union dito matapos nitong mapatay sa sakal ang asawa dala ng matinding selos.
Ayon kay Chief Inspector Joseph Perondo, Hepe ng pulisya ng Candijay, natagpuan nila ang katawan ni Victor Amoguis na nakabitin sa bubong ng sariling bahay gamit ang lubid, habang ang asawa naman nitong kinilalang si Mary Anne ay natagpuang walang buhay sa loob ng comfort room.
Si Police Officer 2 Ramon Dutarot, kaibigan ng mag-asawa, ang unang nakadiskubre sa mga bangkay bandang alas-dos ng hapon noong Linggo.
Base sa sulat na natagpuan ng pulisya sa loob ng kuwarto ng mga nasawi, at dahil na rin sa mga marka sa leeg ni Mary Anne, napatay siya ng asawang si Victor sa pamamagitan ng pagsakal makaraang umamin ito na nakagawa ng pagkakamali.
Hindi malinaw kung ano ang pagkakamali na nagawa ni Mary Anne, nguni’t nakalakip din sa sulat ang pangako nito na hindi na uulit muli.
Sa parehong sulat, humingi si Victor ng kapatawaran sa kani-kanilang mga iniwang kaanak at kapamilya. Nagawa lamang daw niya ang lahat dahil na rin sa pagmamahal sa asawa.
Walang iniwang anak ang dalawang taon nang kasal na mag-asawa.
167852 948182Dead written articles , appreciate it for entropy. 674492
809467 393893Thankyou for all your efforts which you have put in this. really intriguing info . 594901
40208 802995Every email you send need to have your signature with the link to your web site or weblog. That generally brings in some visitors. 759155