Caprice Cayetano, may payo sa mga bagong housemate!

Tempo Desk
1 Min Read

By RUEL J. MENDOZA

Sa isang social media post, nagbigay si PBB Celebrity Collab 2.0 Kapuso Big Winner Caprice Cayetano ng tips niya para sa mga papasok na housemate sa bagong edition ng “Pinoy Big Brother.”

Ayon kay Caprice, mahalaga sa audition ang pagiging natural at pagpapakatotoo.

“If you dreamed of being a housemate this new season, one tip na mabibigay ko po during the audition is to be natural, genuine, and authentic. Please make sure to leave a lasting impression by simply being yourself,” sey ng Sparkle star.

May tips din siyang ibinigay tungkol sa quality ng video na ipapasa ng mga gustong mag-audition.

“Kaya po sa mga aspiring housemates diyan, don’t forget that you only have one minute to express yourself. Make sure na maganda po ’yung lighting and walang background noise.

“Good luck aspiring housemates. Abangan ang pagbubukas ng Bahay Ni Kuya sa takdang panahon,” pahabol pa ni Caprice, na mapapanood sa bagong GMA teleseryeng “A Million Dreams.”

 

Share This Article