By JUN NARDO
Tulala ang mga tao na dumalo sa isang brand event kung saan nakitang magkasama ang ex ni John Prats na sui Heart Evangelista at ang present na si Isabel Oli.
Si Heart kasi ang main endorser ng brand e, hinaluan ng sports na pickleball ang event, ayun sumali si Isabel.
Ibinahagi ni Isabel ang picture nila ni Heart na magkasama. Bahagi ng caption niya ay, “Such a fun day of play, bonding and a little skin care in between.
“Congratulations @iamhearte.”
O huwag gawan ng intriga ang madalas na pagsasama nina Heart at John sa mga video, lalo na’t magsasama pa sila sa isang project, huh!
Obviously, suportado ito ni Isabel!
Tanggal!
Nakakalungkot ang biglaang pagkawala ng “The Boobay At Tekla Show” (TBATS) sa usual time slot nito sa GMA.
Ilang taon din napanood ang comedy show nina Boobay at Tekla pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”
Then, biglang may announcement na ang papalit sa time slot nila ay ang “Gandang Gabi Vice” ni Vice Ganda!
Ayon sa aming source, sinabihan lang sina Boo-Tek (Boobay at Tekla) na ililipat ang time slot ng show. Pati nga production ay walang alam!
Nagulat nga raw si Tekla sa nangyari.
E, hindi naman sila puwede sa GTV dahil may bagong entertainment talk show na mapapanood din sa September 13, date ng simula ng show ni Vice sa GMA channel!
Saan na papunta ang TBATS? On the go pa rin kaya ito? Anong oras at araw ipalalabas?
