By ROWENA AGILADA
Unlike most women na gustong maging ina, hindi naman masyadong kinarir ’yun ni Lovi Poe. Aniya kay Karen Davila, mas gusto niyang mag-work noong bago pa lang silang kasal ng British husband niyang si Monty Blencowe.
“If it comes, it comes,” she said.
They met through a common friend in the US in 2018 and got married in 2023.
Nine months old na ngayon ang first baby girl nila, na wala pa ring name at face reveal.
“I want to be the best mother I can be,” ani Lovi.
She gave birth in the US at, ayon kay Lovi, hands-on mom siya. Every three hours ay gumigising siya to breastfeed her baby. Siya ang nagpapalit ng diaper at nagpapaligo. Wala siyang yaya.
Ayon kay Lovi, simple lang ang buhay nila sa US. Siya ang nagluluto, naglalaba, namamalantsa at naglilinis ng bahay. A humbling experience for her, she said, adding that she now values and appreciates everything she has.
Three months nang nasa Pilipinas si Lovi with her daughter. LDR (long-distance relationship) pa rin sila ng husband niya, na nasa US.
Ani Lovi, very supportive and understanding ang husband niya. Producer-scientist ito. Kung nasaan silang mag-ina ay pinupuntahan sila nito.
Ang payo ni Lovi sa mga may LDR: respect and trust your partner.
Ayaw na maghubad!
Puwede pa rin siyang magpa-sexy, pero ayaw na niyang maghubad. ’Yan ang sabi ng Vivamax star na si Angelica Hart kay Boy Abunda.
Aniya, gusto niyang makilala bilang sexy-comedienne.
Inamin ni Angelica na break na sila ni Andrew Muhlach, half-brother ni Aga Muhlach.
Mas gusto niya ’yung mas mahal niya ang guy kaysa mahal siya.
Ay, tama ba ’yun?
