By JUN NARDO
Matunog sa social media ang umano’y paglipat-bakod ng talk show ni Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice” sa GMA.
Big deal ito dahil mahigit isang dekada ring lumabas sa Channel 2 bago ito nawala ng tuluyan nang mawalan ng franchise ng ABS-CBN.
Ngayon, heto at biglang umugong ang balitang paglipat nito sa GMA na sinabayan pa ng isang TV plug para sa isang bagong entertainment talk show.
Pero sa GNTV namin nakita ang plug at hindi sa GMA main channel!
So, ano nga ba, GMA o GNTV?
Kaya nagtanong kami sa isang reliable source sa GMA: Totoo ba ang tsismis na sa GNTV eere ang “Gandang Gabi Vice?”
Nakiusap ang source namin na huwag muna itong isulat dahil wala pang official announcement.
Pero diin niya, oo, nasa GMA na ang “Gandang Gabi Vice” at sa GNTV ito mapapanood.
Wait na lang daw ako sa official announcement.
May kinalaman kaya ang gap ni Vice at ni Jessica Soho kaya hindi puwedeng back-to-back ang shows nila tuwing Sunday?
Hmmm…
Dream fulfilled
Dream come true para sa tinatawag na Queen of Hearts na si Bela Padilla ang makasama ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa bagong family drama ng Viva Films na “Life After You.”
Ano ang naging reaction ni Bela nang malaman na si Maricel ang makakasama niya sa movie?
“Siyempre sobrang excited, ‘no! Parang even to be considered to do scene with a legend, parang, ‘Wow!’ What did I do right?” simula ni Bela sa mediacon ng movie.

Nasa taping siya noon nang tumawag si June Rufino ng Viva at ni-request na mag-Zoom siya. E, timing ang tawag dahil naghahanda ang staff para sa next scene.
“Nang tanungin ko kung sino ang kasama at sabihing si Maricel, medyo na-shock ako nang konti! Parang nagsabi ako ng, ‘Game! Ready na ako bukas!’ I was very excited! It’s a dream come true for me,” masiglang pahayag ni Bela.
Sa September 9 na ang showing sa sinehan ng “Life After You” mula sa panulat at direksyon ni Marla Ancheta.
