By DELIA CUARESMA
Kung si Mariel Rodriguez-Padilla ang tatanungin e, wala na nga talagang balak pang tumakbo muli ni Robin Padilla bilang senador o kung ano pa mang posisyon sa gobyerno.
Ani Mariel sa panayam ni Julius Babao, may mga nanliligaw nga sa asawa na tumakbo bilang bise presidente pero tinanggihan na ito ni Robin.
“To tell you the truth, ayaw niya ‘yung mga people na ‘yun, nate-turn off siya,” sey ni Mariel.
Nang tanungin ni Julius kung maari pang magbago ang isip ni Robin, sagot ni Mariel, “Nagdesisyon na siya, hindi na siya tatakbo.”
Kung bakit e, aniya, nababagalan si Robin sa sistema ng gobyerno.
“May mga times na kapag mainit ulo ni Robin sasabihin niya, ‘magre-resign na ako rito kasi ganito, ganyan.’ Now, I tell him, ‘we cannot do that because there are people who voted for you and relying on you. But I also understand him also kasi ang daming (dadaanan), ang bagal ng sistema ganyan.”
“And this is what I say again, 6 years is really short to make a difference ‘coz it’s a looooong (process),” pagbabahagi pa ni Mariel sa mga hinaing ng asawa.
Diin niya, “Robin has no ambition, Robin from day 1 wants to help. Since the day I met him ‘yun ang consistent kay Robin, sincere and talagang the heart to help that’s actually why I fell in love with him.”
Yun na!
