Barbie Forteza, Vince Rillon: Bagets pa rin ang dating!

Tempo Desk
3 Min Read

Ni MELL T. NAVARRO

Isa sa masasabing “magic” ng cinema ay ‘yung kakayahan nito na pabatain o patandain ang mga artista.

Pero depende pa rin ‘yan sa husay ng produksyon at sa pagdadala ng artista mismo para maging kapani-paniwala.

Sa “Until She Remembers” na bagong obra ni Direk Brillante Mendoza (na siya rin ang sumulat ng screenplay), nakakatuwa na sina Barbie Forteza at Vince Rillon, both in their 20s na e, kapani-paniwala pa rin ang dating onscreen bilang  high school students.

Napanood namin recently ang pelikula, at “freshness” pareho ang aura nina Barbie at Vince, lalo na sa kanilang classroom scenes.

Kaya pala nagpagupit nang maiksing buhok si Barbie. Requirement ito sa kanyang portrayal and the professional that she is, she cut her hair agad-agad. Umakma nga ito sa hitsura ng kanyang character sa nasabing pelikula.

Ganoon ang magic sa movies, lalo na kung “versatile” ang mga artista, they can be younger or older, lalo na kung mahusay din ang hair and makeup artist at costume designer.

Dahil mga petite rin sina Barbie at Vince, para talaga silang 16-17 years old sa screen in their high school uniforms.

Kaklase ni Barbie si Vince sa istorya na may twist sa bandang dulo ng kuwento.

Ano nga ba ang kuwento ng “Until She Remembers” na unang pagsasama nina Charo Santos at Boots Anson Roa?

Narito ang buod ng pelikula:

Nang hinarap ng isang high school student (Barbie) ang masakit na pagkawatak ng kanyang mga magulang (Angel Aquino at Albert Martinez), nakahanap siya ng kanlungan sa piling ng kanyang lola (Charo Santos) at ang matalik na kaibigan nito (Boots Anson-Roa).

Sa piling nila ay makikita niya ang pagmamahal na wagas at walang halong pag-iimbot, isang bagay na hindi niya matututunan sa mga libro, kundi sa tunay na buhay.

Ang “Until She Remembers” ay hindi tungkol sa mga sagot kundi pagkamulat—isang madamdaming pagninilay sa pamilya, kawalan, at kung ano ang tunay na ibig sabihin ng mabuhay.

Bukod sa nabanggit na mga pangalan, kasama rin sa cast sina Eric Quizon, Erlinda Villalobos, at may cameo appearances sina Carlos Siguion Reyna at Perla Bautista.

Mula ito sa Solar Pictures with Wilson Tieng as executive producer, together with Center Stage Productions.

Abangan ang pelikula, exclusively in cinemas beginning Feb 25.

 

Share This Article