‘A Werewolf Boy’: Unang iyak, unang kilig

Tempo Desk
3 Min Read

By MELL T. NAVARRO

First Pinoy movie na ipinalabas sa mga sinehan noong Miyerkules, January 14, 2026 ang “A Werewolf Boy” ng Viva Films na Pinoy adaptation ng hit Korean movie of the same title.

Through the film, binigyan ng malaking break ng Viva ang kanilang homegrown artists na sina Rabin Angeles at Angela Muji, na ang daming Gen-Z fans.

Ang nakakatuwa, binabaan ang movie ticket prices sa SM Cinemas at Gateway.  Sa SM Cinemas sa Metro Manila ay 275 pesos lamang ito, at sa probinsiya ay 230 pesos lamang. Sa Gateway, it’s 275 as well.

So, pewede naman pala talaga gawin ito kung gugustuhin ng movie producers at makikipagkasundo sa kanila ang theater owners.  Ito lagi ang hinaing o reklamo ng mga ordinary moviegoers.

Naging bunsod ito sa nag-trend na mga social media posts from the movie industry noong kasagsagan ng MMFF nitong Kapaskuhan, ang napakataas na ticket prices.

Sa local movies, noong 2025 rin ay ganito rin ang “diskarte” na ginawa ng producers ng “Sunshine” (Maris Racal) kung kaya’t bukod sa good word of mouth and reviews ay hindi ito natanggal sa mga sinehan, dahil mura lang ang tickets.

Anyway, saksi kami sa premiere night ng “A Werewolf Boy” sa SM Megamall nu’ng Monday, at suportado ito ng fans nina Rabin at Angela, na panay ang tili sa mga nakakakilig na mga eksena, lalo na ang kissing scene nila.

I believe na ito ang kanilang first kiss on the big screen, at kailangan naman talaga, since ang kuwento ay magkakai-in-love-an ang isang normal na babae at isang wolf o lobo na lalaki.

Pulido at maayos ang pelikula, maganda ang visuals at iba pang technical aspect ng “A Werewolf Boy” lalo na ang cinematography at music.

Napa-arte rin ni Direk Crisanto Aquino sina Rabin at Angela, bagama’t ito ang kanilang big break sa pelikula, at may screen chemistry ang dalawang bagets na very promising.

On his fifth movie as a director, muling pinatunayan ni Direk Cris na tila forte na niya ang may romance element sa mga material na ginagawa niya, at maayos niyang nadidirek kahit na mga baguhan pa lang.

Like in the case of “Write About Love” (2019), and especially ang “My Future You” (MMFF 2024) na mga newbies rin ang kanyang bida, sina Seth Fedelin at Francine Diaz.

Ganito rin ang nagawa ng mga baguhang sina Rabin at Angela, na after ng premiere night ay abot-abot ang pasasalamat kay Direk Crisanto at sa kanilang mga big boss sa Viva.

Ang ganda rin ng role ni Lorna Tolentino, na no wonder, kahit na special participation lang siya ay markado ang kanyang character.

Sa mga mahihilig sa love story with a flavor of supernatural or fantasy element, “A Werewolf Boy” (Rated PG) is for you.

Now showing!

Share This Article