Mukbangan nina Klea at Janella sa Elyu, pinagpiyestahan!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Hindi nakaligtas sa mga camera phones ng mga marites ang diumano’y tukaan nina Klea Pineda at Janella Salvador na nangyari sa isang bar sa La Union.

Kahit hindi malinaw sa video kung sa lips o sa pisngi lamang hinalikan ni Klea si Janella, ayaw papigil ang mga marites sa pagpupumilit na resibo nga raw ito na totoong may something na sa dalawa!

Hindi kaya?

Anyway, hindi lang naman ito ang video na kumalat sa social media. Bago ito, may isa pang video na lumabas na tila kuha rin sa same bar kung saan kitang-kita ang dalawa na masayang sumasayaw na parang walang pakialam sa mundo.

Makikitang enjoy na enjoy ang dalawang seksing aktres sa pagsabay sa music, na panay ang yakapan, titigan, at halos magdikit na ang kanilang mukha habang sinasabayan ang kanta.

Bago ito, nakita rin ang dalawa sa Los Angeles, California na ipinost naman ni Klea sa IG ang ilang pictures na naglalakad sila sa Pacific Park sa Santa Monica Pier.

Nauna nang kumalat ang balita ukol sa diumano’y romantikong ugnayan ni Janella at Klea, kasabay ng pinagtatambalan nilang 2025 Cinemalaya queer film na “Open Endings.”

Dagdag pa rito ang biglaang pakikipaghiwalay ni Klea Katrice Kierulf.

Hanggang sa ngayon, wala pa ring opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa kanilang totoong ugnayan.

Pero madalas lang nilang sagutin na: “What you see is what you get.”

 

Share This Article