By DELIA CUARESMA
Sa halip na kilig, intriga ang bumalot sa ika-8th anniversary ng young couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.
Ayon sa tsismis e, buntis na nga daw itong si Loisa courtesy of Ronnie.
Dagdag pa rito ang diumano’y pagli-live in ng dalawa.
Naku, huh! Premarital sex at live-in? Ayaw ng mga moralista ng ganyan!
Anyway, hindi natatapos doon ang isyu.
Ayon sa latest report ni Ogie Diaz sa kanyang vlog e, hindi raw maganda ang relationship ni Loisa sa pamilya ni Ronnie na anila diumano e sakit sa ulo ang seksing aktres!
Ayon sa kwento ni Ogie, may mga source umano siyang nakausap na nagsasabing hindi na raw boto ang ilang kamag-anak ni Ronnie kay Loisa.
Isa pa, may naglabasan pang isyu na hindi raw nabigyan ng oras ni Ronnie ang kanyang pamilya dahil kay Loisa.
Sa katunayan nga daw e, pati burol at libing ng lola ni Ronnie ay hindi nito napuntahan again, dahil kay Loisa!
Dagdag pa sa chika, “masama raw ang ugali” ng aktres ayon sa ilang miyembro ng pamilya, at tila naging mailap na rin ito sa mga kamag-anak ng nobyo.
Bukod pa rito, napabalita ring magulo na ang bahay ni Ronnie dahil sa dami ng alagang aso ni Loisa.
Sa gitna ng mga intriga, ipinagtanggol ni Ogie sina Ronnie at Loisa, sabay sabing pareho na silang nasa tamang edad para magdesisyon sa kanilang buhay.
“Kung nagli-live in man sila, nasa kanila na ‘yon. Ang importante, hindi sila umaasa sa iba,” saad ni Ogie.
Sa ngayon, tahimik pa rin ang kampo sina Ronnie at Loisa tungkol sa mga isyung ito.
