‘Ahas’ sa ‘Bulaga?’ Anjo may hirit kay Jose!

Tempo Desk
1 Min Read

By DELIA CUARESMA

Mukhang hindi pa tapos sa pag-aangas nitong si Anjo Yllana!

Aba’y patuloy pa rin ang banat niya laban sa mga dating co-hosts sa “Eat Bulaga!”

Matapos kalampagin ang madla sa pagaakusa kay Tito Sotto ukol sa diumano’y pambababae nito, eto at si Jose Manalo naman ang bagong target niya!

Aniya e, “ahas” daw ang komedyante!

Bakit? E kasi ang kasalukuyang asawa nito e dati raw niyang girlfriend!

Sabi ni Anjo, “Girlfriend ko ’yan, live-in kami ng isang taon… ngayon asawa na niya! Ahas talaga!”

Tila nag-ugat ang galit ni Anjo nang tinanggal ang pangalan niya sa lyrics ng pamosong awitin ng SexBomb Girls at pinalitang ng pangalan ni Jose.

Diin niya, si Jose ang may kagagawan nito.

“Wala akong issue, pero ahas talaga ’yan,” dagdag pa ng aktor-TV host.

Tila walang sinasanto si Anjo, huh! Lahat binabanatan! Sino kaya ang kasunod?

Anyway, hanggang ngayon, tikom pa rin ang bibig ni Jose sa paratang ni Anjo.

Samantala si Tito e, ipinagkibit balikat na lamang ang pasaring ni Anjo. Aniya, nagpapapansin lang ito.

Hmmm….kaya?

Share This Article