By DELIA CUARESMA
May bago na namang kumakalat na chika tungkol kay Kim Chiu. Ayon sa latest na “Showbiz Update” vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi, posible raw na nagpa-preserve na ng egg cells ang Kapamilya actress-TV host na ngayon ay 35 years old na.
Normal na raw sa mga babaeng nasa showbiz o career-focused ang magplano nang maaga pagdating sa future family life, lalo kung gusto pa nilang pagsabayin ang kasikatan at personal na pangarap na magka-anak.
“Ginagawa na ‘yan ngayon, lalo na kapag nagkaka-edad na,” ani Ogie.
“Hindi na bumabata ‘yan,” dagdag pa niya tungkol kay Kim. “Mga ganyang edad nasa hit and miss na kung mabubuntis o hindi.”

Sinegundan pa ito ni Mama Loi na nagsabing marami nang celebrities ang dumaan sa ganitong proseso. Ilang pangalan pa ang nabanggit kabilang sina Vina Morales at Heart Evangelista, na parehong openly nagkuwento ng kanilang fertility journey sa publiko.
Hindi rin napigilang mapunta sa usapang lovelife si Kim. Lalo pang nagliyab ang tukso nang maungkat sa vlog sina Paulo Avelino at Kim, matapos makita ang viral clips nila na magkasamang nagjo-jogging abroad. Wala pa ring kumpirmasyon mula sa dalawa, pero fans are definitely curious.
Sa totoo lang, may punto ang mga host. Maraming kababaihan ngayon ang ayaw na ma-pressure sa oras. Gusto muna nilang i-maximize ang career at self-growth bago magdesisyon na magkaroon ng pamilya. Fertility preservation gives that option, para may “Plan B” kung sakaling ma-late sila mag-settle down.
Siyempre, gaya ng sabi ni Ogie, chika pa lang ito. Walang kumpirmasyon mula kay Kim. Tahimik lang siya at busy sa mga proyekto, endorsements, at sa TV.
Kung totoo man talaga ang egg preservation decision, hindi na dapat ito ikagulat. Isa itong modern, practical, at empowering choice. Babae siya na may karapatang magplano ng sarili niyang timing.
Career now, future family later. Kung ganoon nga ang diskarte ni Kim Chiu, mukhang alam niya ang value ng pag-aalaga sa sarili… at ng pag-iingat sa kinabukasan.
