Lovi Poe, isa nang ganap na ina!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Bongga ang pasabog ni Lovi Poe sa kanyang Instagram!

Nanganak na siya!

Yes, mga beshie, isa na siyang certified, official, full-fledged mommy sa unang baby nila ng mister na si Monty Blencowe!

She didn’t say it in words.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Lovi ang isang super-sweet na video kung saan makikita siyang buhat-buhat ang kanyang munting anghel habang marahang isinasayaw ito na para bang isang eksena sa pelikula pero this time, sa totoong buhay at sarili niyang anak ang bida.

Ang caption niya ay sapat para tunawin ang kahit sinong pusong bato:

“The moment I met you, instinct took over. Welcome to the world, my love.”

Aba, napatula pa yata si Lovi! Mommy hormones unlocked! Char!

Dagsa agad ang komento mula sa fans at celebrity friends, huh!

May mga napa-“OMG!” may napa-iyak, at siyempre, hindi mawawala ang napakaraming “Congratulations!”

Sa ngayon, tikom muna ang bibig nina Lovi at Monty pagdating sa detalye ng kanilang baby — walang gender reveal, walang name drop. Mukhang gusto nilang namnamin ang kanilang private family bubble bago ito ibahagi sa mundo.

Matatandaang noong Setyembre lang ibinunyag ni Lovi ang kanyang pagbubuntis sa isang bonggang campaign ng local clothing brand. At kamakailan ay ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang second wedding anniversary.

Congratulations, Mama Lovi!

Share This Article