By DELIA CURESMA
Nakupo, sabi na nga ba e!
Muling binuhay ng mga marites ang chismis ukol kina Yassi Pressman at Coco Martin matapos ang pasabog na interview ni DJ Chacha kay Julia Montes!
Doon kasi, inamin ni Julia na may minsan siyang nasungitan na isang co-star ng boyfriend dahil medyo “sumobra” na raw kasi ito, to the point na nag-po pa raw sa kanya nang minsan magkaharap sila. And to think na magka-batch lang sila.
Aba e, baka sobrang respectful lang naman Julia, diba?

Anyway, makaraan ang ilang oras, trending agad sa X (Twitter) ang pangalan ni Yassi.
Apparently, muling binuhay ng mga netizens ang rumor noon, ‘yung kwentong nagdala diumano si Yassi ng ulam sa bahay ni Coco, at nang bumukas ang pinto, si Julia raw ang sumalubong.
Ay, parang teleserye!
“Wrong move ang pagdala ng ulam, kalaban mo si Clara Del Valle,” hirit ng isang netizen.
“Anong ulam ba ‘yun anteh? Para makaiwas kami next time,” banat pa ng isa.
Grabe, pati recipe damay!
Dagdag pa ng iba, “Ito pala ‘yung nagpunta sa bahay ni C. at nagulat nang si J. ang bumukas!”
Tikom ang bibig ni Yassi sa isyu as expected, pero mukhang mas lalong nag-enjoy ang netizens sa pagbubunot ng lumang chismis dahil dito.
Hay, kung dati pa man ay dead issue na ito, ngayon ay parang zombie, nabuhay at tila ayaw nang mamatay!
Char!
