Kabayan Noli De Castro, muling mananakot!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Muling ihahatid ni Kabayan Noli De Castro ang takot at kilabot sa pagbabalik ng inaabangang espesyal na “Kababalaghan VII: PAgkagat ng Dilim.”

Sa ikapitong edisyon ng “Kababalaghan,” saksihan ang mga totoong kuwentong karanasang lagpas sa imahinasyon ng karaniwang tao sa pagsisiwalat ni Kabayan.

Mula sa mga kakaibang tunog sa gabi, hanggang sa mga multong biglang sumusulpot sa litrato, ngayong taon, mas matindi, mas nakakakilabot, at mas kapanapanabik ang mga rebelasyong ihahatid.

Tampok rito ang tatlong nakakakilabot na istorya na tiyak magpapataas ng balahibo ng mga manonood:

Bubuksan ang mga pinto ng misteryo at katatakutan sa “Lagusan,” kung saan isang lumang bahay diumano sa Pangasinan ang ginagambala ng mga ligaw na kaluluwa.

Samantala, sa “Bodega,” isang pamilya sa Pampanga ang natutong huwag balewalain ang mga alaala ng nakaraan. Ang kuwartong ginawa nilang imbakan ng mga lumang gamit ay naging pugad ng masasamang espiritu.

At sa nakakayanig na “Photobomber,” isang simpleng groufie ang nagbunyag ng presensiya ng isang itim na nilalang sa gitna ng tawanan.

Huwag palampasin ang gabing ito ng katotohanang mas nakakatakot pa sa kathang-isip. Mapapanood unang-una sa iWant ngayong October 18.

Mapapanood din ito sa Oktubre 26 (Linggo), mula 9:15pm hanggang 10:30pm sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), at ABS-CBN News Youtube Channel.

Share This Article