Julia Montes, selos na selos sa dating katrabaho ni Coco!

Tempo Desk
3 Min Read

By DELIA CUARESMA

Ay, grabe! Umuusok ang social media sa walang humpay na guessing game ng mga marites sa group chat!

Ito ay dahil sa very juicy interview ni DJ Cha Cha sa aktres na si Julia Montes kung saan nga e, napaamin niya ito na minsan siyang nagselos sa isang katrabaho dati ng partner na si Coco Martin!

Bakit? E, sobra-sobra raw kung makalandi kay Coco!

Nagtimpi nga raw siya ng sobra para sa girl!

“Ang rule ko lang, huwag lang magkakamali, okay pa ako. Huwag lang ring magkakamali ‘yung babae. Pero kapag nagkamali… asahan mo na.”

Ayaw mo na lang malaman kung anong “asahan mo na” na ‘yan, bes!

Anyways, nang tanungin naman ni DJ Chacha kung kinausap ba niya ang nasabing “malandíng aktres,” aba, palaban ang sagot ni Julia!

“Hindi ko siya kinausap pero pinaramdam ko sa kanya. Kasi wala nang point para kausapin ko siya, excuse me!”

May pa-hint pa si Julia kung paano raw malaman ng isang person na bwisit siya rito:

“Super warm ako. Alam mo kapag okay ako sa’yo at kapag hindi. Hindi ako plastic, hindi ako showbiz. Pag hindi ako okay sa’yo, hindi kita papansinin.”

Pero teka, may mas matindi pa. May real-life eksena siyang binahagi about the girl:

“Nag-hi siya, ‘Hi po.’ E ka-batch ko lang siya. Sabi ko, ‘Excuse me, maka-PO ka naman!’”

Sabi pa ni Julia, “Strike three na ‘yun. Sobra, sobra rin naman.”

So ibig sabihin, tatlong beses nang sumobra sa landi ang hitad bago tuluyang pinaramdam ni Julia na tipong, “Girl, alam ko na ang ginagawa mo.”

Ngayon, nag-iinit ang mga comment section — kung sino nga raw itong actress na sobrang friendly kay Coco noon.

May mga nagsasabing, “Baka si Yassi Pressman?”

Ang iba naman, “Si Yam Concepcion siguro!”

Pero siyempre teoryang marites lang ito, walang proof!

Nang tanungin si Julia kung muntik na bang masira ang relasyon nila ni Coco dahil sa mga ganitong paandar, walang kaabog-abog na tumingin siya sa camera, sabay sambit ng, “Sorry, girl!”

Share This Article