By JUN NARDO
Very regal ang dating ni Marian Rivera nang pumunta siya sa Vietnam para sa
event ng isang brand, huh!
Nakita naming sa Facebook ang mga pictures at videos niya na kuha roon.
Kita sa mga ito kung paano pagkaguluhan si Yan doon, huh! Obviously, excited makita ng mga Vietnamese ang magaling na aktres!

Sa caption, nagpasalamat si Yan sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Vietnamese-based luxury fashion brand, Hacchic Couture.
“Thank you so much, @hacchic, for the warm welcome. “I’m truly touched by your love. All the gowns are beautiful, elegant, and sophisticated. Grateful to be part of such a special event.”
Bidang-bida!
Ang ganda-ganda ni Jayda Avanzado nang amin siyang makita sa presscon ng
seryeng “Project Loki” na soon ay mapapanood sa Viva One at Cignal Play.
Of course, hindi rin pahuhuli ang TV5 artist na si Dylan Menor na siyang leading man niya.

Although marami silang stars na kasama sa show, angat na angat ang arrive nina Jayda at Dylan na sa tingin namin e, hinog na for stardom, huh!
Mula sa panulat ni AkoSiIbarra, humamig ang original Wattpad series ng 92 million reads before gawin ang adapatation.
Director ng series si Xian Lim na nangakong hindi bibiguin ang readers ng “Project Loki” na ipadama sa kanila ang kuwentong minahal.
