By DELIA CUARESMA
Mukhang nahanap na nga ni Asia’s Prince of Drama Jericho Rosales ang kanyang emotional balance kay Janine Gutierrez.
Kilala noon si Echo bilang certified ladies’ man. Madalas nga siyang maiugnay sa mga showbiz beauties.
Isa sa mga ito ay si Heart Evangelista.
At siyempre ang eventually e nakatuluyan niya na si Kim Jones.
Sa panayam niya sa “Fast Talk with Boy Abunda,” diretsahang tinanong si Jericho kung napag-uusapan ba nila ni Janine ang tungkol sa kanyang mga ex.
“Wala. We don’t like that energy,” sagot niyang may ngiti. “I’m so lucky because she’s also a great actress, and we both know and understand our jobs.”
Ipinagmamalaki pa ni Echo na maayos ang relasyon niya sa mga dating minahal.
“Kim is my friend. She’s one of my very, very great friends. Heart is my friend,” aniya.
Dagdag pa niya, “Every time I see whoever’s around and in Manila, of course, I try to make friends with everyone. Life is too short to have enemies.”
Kung selosan lang ang pag-uusapan, tila immune na si Janine. Confident siya sa relasyon nila at kampante sa maturity ni Jericho.
Sa totoo lang, ibang-iba na ang Echo ngayon—mas grounded, mas kalmado, at mas marunong pumili ng laban.
Matapos ang halos isang dekada bilang asawa ni Kim at ang tatlong taon kay Heart, mukhang kay Janine na nga niya natagpuan ang tunay na “peace.”
Samantala, busy si Jericho sa promo ng kanyang historical biopic na “Quezon,” kung saan pinupuri ang kanyang performance bilang Manuel L. Quezon.
Ang galing niya sa movie, huh!
Kung dati’y puso ang madalas niyang sinusugatan, ngayon, puso ng mga manonood na ang kanyang tinatamaan.
‘Yun na!
