By DELIA CUARESMA
Mga Marites, ready na ba kayo sa clarification of the year?
Nag-react with poise but power si Gretchen Ho matapos kumalat online ang fake news na nag-propose daw ng marriage si Willie Revillame sa kanya!
OMG, mga beshie, saan na naman galing ‘tong chika na ‘to?!
Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Gretchen ang screenshot ng isang edited post na nagpapakita ng larawan nilang dalawa ni Willie na, may pa-caption pa na tipong “Yes, she said yes!” with matching proposal photo kuno kung saan may lalaking nakaluhod sa harap ng babae. E kaso, photoshopped pala lahat ‘yon!
At dahil hindi na nakakatawa, nag-call out na si Gretchen sa mga clickbait posts na pilit siyang idinadawit sa mga fake romantic rumors.
Ayon sa kanya, noong una raw ay natawa pa siya sa mga tsismis — pero nang mismong tito niya na ang nagtanong kung totoo ito, napa-facepalm na si ate girl!
Sabi nga niya sa IG story:
“Medyo alarming na ito. Tinatawanan ko lang nung una.
Pero… dahil tito ko na ang nagtatanong kung totoo…
HINDI PO ITO TOTOO. #FakeNews”
Ayan ha, direct from the source! Wala pong proposal, wala pong engagement ring, at lalong wala pong “Yes, I do!”
So, mga netizens, lesson learned: bago kayo magpakalat ng screengrab at edited photo, siguraduhin munang hindi ito gawa-gawa ng walang magawa!
Si Gretchen, busy sa career, hindi sa kasalan!
Yun na!
