By MELL T. NAVARRO
Muling pinatunayan ng award-winning director na si Direk Nuel Naval at award-winning screenwriter na si Mel Mendoza-Del Rosario na “powerful” ang kanilang tandem with “The Last Beergin,” na kasalukuyang palabas sa mga sinehan.
Mula sa dalawang family dramas at magkasunod na MMFF entries nilang “Family Matters” (star-studded cast headed by Noel Trinidad, Liza Lorena, etc) at “Family of Two” (Sharon Cuneta and Alden Richards), Direk Nuel and Mel have reunited again, this time, para sa isang comedy movie.
Sa panonood namin ng “The Last Beergin” ay curious kami how the movie will fare. Wala kaming ine-expect nu’ng pumasok kami sa loob ng sinehan, along with my two friends.
Hanggang sa ma-hook ka na sa takbo ng kuwentong simple lang, nagkasama sa isang magdamagang inuman ang limang strangers, mula sa isang insidente sa loob ng isang convenience store.
Hindi lang kami tumawa, kundi napaiyak rin sa ilang mga eksena, na buong husay ginampanan ng ensemble cast.
Sa nasabing long inuman scene, hindi ka maiinip, dahil epektibo ang nakakatuwang screenplay ni tukayong Mel (with a single “L”) at performances nga ng limang bida.
Kagulat-gulat sa big screen ang transformation ni Xyriel Manabat mula sa pagiging child star sa ABS-CBN shows, hanggang sa maging pretty young actress. Solido ang portrayal niya bilang isang brat daughter ng mayamang pamilya, na nagkaroon ng tatlong boyfriends.
Habang nagbibinata ay gumuguwapo rin si Zaijan Jaranilla, na tama rin lang na inaalagaan ng ABS-CBN Star Magic, dahil mahusay rin itong umarte.

His role bilang isang torpe at may lihim na pagmamahal kay Xyriel sa istorya ay bonggang-bongga niyang naitawid.
We’re rooting for more Xyriel-Zaijan movies soon, dahil ang tindi ng kanilang screen chemistry. Lalo na’t bihira (o halos hindi) na kami nakakapanood ng telebisyon the past years.
Binigyan ng kanya-kanyang highlights ang limang characters na natural na natural ang dating, lalo na nga ang dalawang Gen Z actors na hindi lang nagpa-cute sa pelikula. No wonder sila ang pinili ni Direk Nuel for these roles.
Si Cherry Pie Picache, seemingly with no make-up at all, shines in her own scenes na isang insecure na indibidwal sa dalawa niyang kapatid na ang isa ay maganda, at ang isa ay mayaman. Late siyang nakapag-asawa dahil sa pag-aalaga sa magulang na may sakit.
Naaksidente rin ang napangasawang si Soliman Cruz, buhay ito, pero baldado. One scene lang si Soliman, pero ang tindi rin ng kanyang ipinamalas na performance.
Kahit may mga pinagbidahan na ring ibang comedy movies si Pepe Herrera, he also shines in this movie, bilang isang asawang nalulong sa sugal at nagkautang-utang, bagay na ikinahiya siya ng kanyang pamilya.
May twist sa ending with the character of JC Santos, kaya watch niyo na lang.
Speaking of, itong si JC is one of the busiest actors we have dahil halos linggo-linggo ay may palabas siyang pelikula.
Just for 2025 alone, naka-limang pelikulang na siyang naipalabas — lead actor at that: “Journeyman” (Cine Panalo 2025), “I Remember You,” “Meg And Ryan,” “Cande” (Sinag Maynila 2025), at ang blockbuster na “100 Awit Para Kay Stella.”
Bukod sa mga ito, kasama rin siya sa big cast ng “Quezon” coming in cinemas next month. Palugit pa diyan na naisisingit pa ni JC ang stage plays niya na laging critically-acclaimed rin.
Tipid rin sa location ang pelikula, dahil bulk scenes nito ay sa iisang karenderya lang naganap, pero hindi dahilan ito upang boring ang takbo ng kuwento, dahil sa husay ng mga artista.
So, sa mga bet ang feel-good local movies, habulin ninyo na ang “The Last Beergin” sa mga sinehan, and find out why it’s worth your time and money.
Salamat rin sa movie productions like Cineko Productions and Obra Cinema sa pagsusugal sa entertaining movies tulad nito.
