By DELIA CUARESMA
Kung sa teleserye laging may plot twist, mukhang gano’n din sa real life.
Just recently, lumabas ang aktres na si Alexa Miro upang ipagsigawan na naging sila ni House Majority Leader Sandro Marcos.
Sinabi niya ito na may halong bitterness dahil ipinagpalit daw siya ng 31-year old na anak ni PBBM sa seksing aktres na si Franki Russell!
Naku, huh!
E, ano itong naririnig namin na ang bagong apple of the eye talaga ni Sandro ay ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara?

Mukhang may na-miss na detalye si Alexa huh!
At take note mars, as in papunta na raw ang relasyon nina Sandro at Kyline sa “next level” na romansa!
Take note, matagal nang magkaibigan sina Sandro at Kyline pero ngayon lang nagkaroon ng tsismis ukol sa kanila.
May chika rin na noon pa man, interesado na si Sandro kay Kyline, pero dahil may relasyon pa noon ang aktres, naghintay muna siya sa tamang panahon.
Ngayon na parehong malaya na sila, e, baka nga naglakas loob na siya. Di kaya?
Anyway, dagdag sa usap ang mutual following ni Sandro at Kyline sa Instagram—na para bang modern-day version ng pagpaparamdam.
Hindi pa man kumpirmado, tila nagiging paboritong subject ng showbiz whispers ang love life ng Ilocos Norte representative huh!
