By DELIA CUARESMA
Ayaw pa ring diretsahang aminin ni Janella Salvador kung ano ba talaga ang totoong namamagitan sa kanila ni Klea Pineda. As in, hanggang ngayon, pa-“what you see is what you get” pa rin ang drama ng aktres tuwing tinatanong tungkol sa kanilang special closeness.
Special daw, ha? Eh, kung closeness lang ba talaga ang tawag doon, edi kayo na ang mag-decide!
Sa Star Magic Spotlight presscon, siyempre hindi nakaligtas si Janella sa pang-uusisa. Kasi naman, halos lagi silang magkasama ni Klea sa mga gimikan, tapos may mga litrato pa na kumakalat online na sobrang sweet sila kaya tuloy ang madlang pipol, convinced na convinced na may namumuong love affair between them.
Aminado si Janella na naging super close sila ni Klea while working on their Cinemalaya 2025 entry, “Open Endings.” Pero ‘yung diretsahang sagot kung sila na ba? Waley pa rin!
Sabi pa niya, wala raw siyang obligasyon na magpaliwanag sa publiko.
“Feel free to think what you think,” sey ng aktres.

Aba, talagang pinasa na sa fans ang pag-interpret, huh! Classic!
Pero teka, sa “Fast Talk with Boy Abunda,” biglang iba ang tono!
Nang tanungin kung kumusta ang kanyang puso, todo ang glowing reply: “Masaya ang puso ko ngayon. Genuinely happy.”
O, di ba? Hindi na kailangan ng decoding machine, mga besh.
Dagdag pa ni Janella, seryoso na raw siya pagdating sa relasyon—hindi lang para sa sarili kundi para rin sa kanyang anak. Gusto niya daw ng stability at kasiguruhan.
Well, baka naman kay Klea na nga niya natagpuan ‘yon, di kaya?
Kaya ayan, mga ka-chika, habang pa-misteryo pa si Janella, tayo na lang ang mag-imbento ng sariling “open ending.”
Pero aminin natin, bagay na bagay sila.
Charot!
