Shuvee, binaha ng blessings!

Tempo Desk
2 Min Read

By RUEL J. MENDOZA

Hindi nakakapagtaka na mapatayo agad ni Shuvee Etrata ang dream house para sa kanyang pamilya dahil sunud-sunod ang brand endorsements na dumarating sa kanya.

Kakabiyahe nga lang ng Sparkle artist sa sa ibang bansa para sa shoot ng ini-endorse niya.

“Maybe next year, buo na siya. Sa Mindanao at sa Polomolok. Next year is my goal talaga,” sey ni Shuvee sa bahay na ipapatayo.

Nakabili na raw siya ng lupa na may sukat na 800 sqm sa Polomolok dahil dito nag-aaral ang kanyang mga kapatid.

“Ang pinakapaborito ko kapag tinatanong ko ‘yung mga kapatid ko
‘Anong color ng kwarto ‘yung gusto n’yo?’ Never namin ‘yun na-
experience lahat kami magkakapatid, walo kami sa isang kwarto. Gusto
ko lang maranasan nila na may sarili silang space. Sana makumpleto
agad,” dasal pa niya.

Bukod sa pagkakaroon ng sariling kwarto, nais din ni Shuvee na magkaroon ng permanenteng tirahan para sa kanyang pamilya na matatawag nilang kanila.

“Growing up, never kami nagkaroon ng sariling bahay namin. Nakikitira kami sa lola palagi, sa Cebu, sa Polomolok, wherever we are, lagi kaming nagrerenta. Wala kaming matawag na sariling amin,” emote pa niya.

Nitong mga nakalipas na araw e, napabalitang nakabili na rin si Shuvee
ng isang luxury vehicle dahil sa patuloy na pagpupunyagi.

TAGGED:
Share This Article