Vice Ganda, nangabog sa kilos-protesta!

Tempo Desk
2 Min Read

By JUN NARDO

Ang tindi ni Vice Ganda, huh! Tinaob niya lahat ng celebrities na lumahok at nag-ingay laban korapsiyon sa malawakang protest rally held last Sunday sa EDSA!

Hindi lang siya nagmartsa, sumampa pa siya sa entablado upang maghayag ng saloobin! Maanghang ang mga katagang binitawan ni Vice sa rally na maging si PBBM e, hindi nakaligtas sa kanya!

Hinamon lang naman niya si Pangulong Bongbong Marcos na ipakulong at parusahan ang lahat ng magnanakaw sa gobyerno.

Aniya, “Kung gusto mo magkaroon ng magandang legasiya ang pangalan mo, ipakulong mo lahat ng magnanakaw!

“Inaasahan ka namin hindi dahil sa idol ka namin, kundi dahil sinusuwelduhan ka namin! Kami ang nagpapasahod sa inyo!”

Walang takot ang Unkabogable Star, huh!

Tama lang siguro ang director na si Lav Diaz. Puwede na nga sigurong itapat si Vice kay VP Sara Duterte sa 2028 presidental election! HahahAha!

Isang bote

Naranasan na ng singer na si Jimsen Jison na maka-move one sa nawalang pag-ibig sa pamamagitan ng isang bote lang!

Pero hindi niya sinabi sa amin kung bote ba ito ng beer, alak o iba pa.

“Matagal na po ‘yun. Nakakatulong pero hindi mo naman dapat i-asa sa alak ang pagmu-move on,” sey ni Jimsen.

Title ng debut single ni Jimsen ang “Isang Bote Ka Lang” na komposisyon ng award winning composer na si Joven Tan na released under Star Music.

Kontesero rin si Jimsen dahil finalist siya sa Pinoy Boyband Superstar, contender sa Idol Phiippines Season 2, and finalist din siya sa “Eat Bulaga” Spogiy featuring Singing Baes at BIDA Next Search.

 

Share This Article