Sarah G, may hirit laban sa kurapsiyon!

Tempo Desk
2 Min Read

By JUN NARDO

Waging-wagi na ang performance ni Sarah Geronimo sa opening ceremonies ng UAAP na ginanap sa UST last Friday.

Hiyawan at palakpakan ang mga tao sa bigay-todo niyang performance lalo na’t nagpakawala rin ang singer-actress ng maaanghang na salita laban sa korapsiyon at katiwaliang nagaganap ngayon!

May karapatan ma-bad trip si Sarah G dahil taxpayer siya ‘no!

Para iparamdam ang galit at frustration, binago ni Sarah ang ilang lyrics ng kanta niyang “Tala.”

Aniya sa chorus ng kanta, “Parang panloloko lang sa bansa natin. Pinaikot-ikot lang tayo. Tama na!”

Hindi siya natapos dun, huh! After mag-perform, nagbigay nga siya ng message sa audience.

Aniya, “Di naman po lingid sa kaalaman natin na napakaraming nangyayaring kaguluhan, kasinungalingan, panloloko ang ginagawa sa ating bansa. Let us all be reminded na kayo, ang ating mga kabataan, kayo ang pag-asa ng ating bansa at ng ating bayan.”

“One day, kayo ang magbabago ng bulok na sistema ng bansa ito. Wag kayong mawawalan ng pag-asa. Wag tayo mawawalan ng pag-asa. Patuloy nating ipagdasal ang ating bansa,” pagtatapos nya.

Wala namang binanggit ang singer at aktres kung dadalo siya sa magaganap na malawakang kilos-protesta sa September 21.

May pasilip 

Ipinasilip ng GMA ang pagiging bahagi ng SB19 member na si Justin sa fanstaserye na “Sang’gre” nitong mga nakaraang araw sa “24 Oras.”

Humamig agad ng milyong views ang teaser, huh!

Kaya naman sa susunod na episodes ng programa, pihadong tutukan ng fans ng grupo ang appearance ni Justin!

Teka, after Justin, who’s next? Nauna na kasi kay Justin na sumalang sa TV sina Stell at Pablo na naging coach sa nakaraang season ng “The Voice Kids.”

Share This Article