Francine Diaz, may attitude problem?

Tempo Desk
2 Min Read

By ROWENA AGILADA

May kagaspangan nga ba itong si Francine Diaz? Patunay raw sa masamang
asal ng dalaga ang recent video na lumabas sa social media.

Doon makikitang masayang kumakaway ang love team partner niyang si Seth
Fedelin sa mga tao. Habang buong ningning na nakangiti si Seth at kumakaway,
si Francine na nasa tabi lang niya ay tila wala sa mood. Pasulyap-sulyap lang siya
kay Seth. Hindi siya ngumingiti at all.

Hindi kaya may tampuhan lang sila ni Seth? O di kaya masama ang pakiramdam
niya at the time? Baka naman pagod lang?

Plus one

May kasama nang mag-travel ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young.

Sa socmed post nila ay karga ni Mikael ang baby boy nilang si Leon. Anila, nag-apply sila ng passport para sa kanilang little boy. Magta-travel abroad sila na hindi nila ipinaalam ang destination.

Travel buddies sina Mikael at Megan noong mag-jowa pa lang sila. Noong nagpakasal sila in 2020, hold on muna ang kanilang baby project dahil gusto pa nilang mag-enjoy sa kanilang travels here and abroad na silang dalawa lang muna.

After five years, may baby na sila na makakasama na nilang mag-travel here
and abroad.

Stage GF?

Makaapekto kaya sa career ni River Joseph ang diumano’y pagiging “nepo baby”
ng girlfriend niyang si Gela Alonte?

May ilang grupo na raw ng fans ni River ang lumipat na sa ibang fandom since pumutok ang isyu tungkol sa girlfriend niya.

Imbiyerna na ang fans kay Gela na anila’y stage GF ito. Parati raw present ito sa
mga showbiz events na dinadaluhan ni River.

Baka naman si River ang may gusto na parati niyang kasama si Gela?

Share This Article