Kyline, gustong sumabak sa aksyon!

Tempo Desk
1 Min Read

By RUEL J. MENDOZA

Action-serye: Ito nga ang gusto ni Kyline Alcantara as her next project.

Sunud-sunod daw kasi ang mga naging teleserye niya na drama, para maiba naman daw ay action-drama ang gusto niyang gawin.

“Gusto kong magkaroon ng action series or movie. Kahit ano po. Kahit na sino yung maka-partner ko. Honestly, I can work with anybody,” sey ng Sparkle star na kasalukuyang lumalabas sa GMA Prime series na “Beauty Empire.”

23 na si Kyline at very fit. Mukha namang kaya niya ang maaksyon na mga eksena.

Pero teka, ano ba ang naging ganap noong kaarawan niya?

Ani Kyline, naging simple lang daw ang 23rd birthday niya last Sept. 3.

“Hindi na ako gumastos for a party. Nilaan ko yung pera para pambayad sa kuryente, tubig at pang-tuition fee. Simple dinner lang yung naganap with my family at very special na sa akin yun.”

Kakabalik nga lang ni Kyline mula sa Canada kunsaan kasama siya sa Sparkle World Tour na nagpasaya sa maraming Global Pinoys doon.

Share This Article