By DELIA CUARESMA
Usap-usapan ngayon sa mundo ng showbiz ang tila panibagong yugto sa relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson.
Ayon kay Ogie Diaz sa kaniyang vlog, tila may nangyaring tampuhan o hindi pagkakaunawaan ang dalawa.
“May nag-text sa akin, parang may awayan. Parang may tampuhan,” ani Ogie.
Dagdag pa niya, pansin daw ng ilang netizens na may mga sweet photos si Julia kasama si Gerald sa kanyang Instagram na bigla na lang nawala.
Hmm, may pa-clean slate? O baka nag-archive lang?
Pero kahit may lamat sa kanilang relasyon, tila hindi pa tapos ang kwento.
Ayon pa kay Ogie, may mga balitang patuloy pa ring gumagawa ng effort si Gerald para muling mapa-close si Julia sa kanya.
“Parang si Gerald, nililigawan ulit si Julia,” diin pa ni Ogie.
Pero ayon kay Ogie, tila nag-iisip pa si Julia.
“Parang naghihintay lang daw ng signs si Julia, kasi kung magkakabalikan sila, gusto na niyang kasal ang sunod,” pagbubunyag ni Ogie.
Ngunit habang umaalab ang usapin, kumakalat na rin ang tsismis na may sinasabing third party sa side ni Gerald at hindi ito artista, isa itong kilalang volleyball player: Si Vanie Gandler ng Cignal HD Spikers.
Batay sa mga ulat, unang lumutang ang pangalan ni Vanie nang mapansin si Gerald sa isang PVL game. Habang sina-support niya raw parehas ang Choco Mucho Flying Titans at Cignal sa PhilSports Arena, may kumakalat na haka-haka na may espesyal na pagtingin umano siya kay Vanie.
Siya kaya ang dahilan ng tampuhan ni Julia at Gerald?
Walang kumpirmadong katibayan, at nananatiling tahimik ang lahat ng partido.
So ngayon, haka-haka pa lang ang lahat pati na ang, ahem, “extra-curricular” activities diumano ni Gerald.
Abangan natin ang susunod na kabanata.
