By DELIA CUARESMA
At sa wakas, pagkatapos ng kung ilang taon ng kilig, ligawan, harutan, ikinasal na nga last August 14, ang Kapuso sweethearts na sina Shaira Diaz at Edgar Allan “EA” Guzman.
Lugar ng makasaysayang “I do”? Walang iba kundi sa St. Benedict Parish, Westgrove Heights, Silang, Cavite — perfect para sa mga gusto ng solemn na kasal na may slight sosyal vibes.
Si Shaira, literal na kumikinang sa kanyang puting gown na in-import pa mula South Korea (oo, mas malayo pa sa Divisoria, mars), habang si EA naman ay mukhang leading man sa isang teleserye — guwapo, makisig, at malamang sa malamang, libre ang suot na pabango courtesy of sponsors.

Charot!
Speaking of sponsors, hindi basta-basta ang line-up: Sen. Jinggoy Estrada, Boy Abunda, Jean Garcia, Arnold Clavio, Susan Enriquez, Arnold Vegafria, Ben Chan, at GMA 7’s own Annette Gozon-Valdes.
Parang Avengers local showbiz style ang peg!
Syempre, present din ang barkadahan: groomsmen sina Coco Martin, Gerald Anderson, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Joross Gamboa, at Jose Sarasola.
Kung pelikula itong kasal, aba’y blockbuster agad!
Bridesmaids naman sina Julia Montes, Jasmine Curtis, at Arra San Agustin, habang bridesmen (oo, may ganun) sina Carlo Tingcungco at Anjo Pertierra ng “Unang Hirit.”
May cameo appearance din si Jennylyn Mercado bilang secondary sponsor — op kors!
Bago pa man maglakad si Shaira sa aisle, nagpasabog na siya ng kilig.
Message niya kay EA sa panayam ng “Unang Hirit”:
“Mahal na mahal kita, alam mo ‘yan… I can’t wait to be Mrs. Guzman. Sa ‘yo lang ako forever.
Aww. Sana all.
Anyway, sa dami ng sikat na tao sa kasal, hindi namin alam kung love story ba ang pinuntahan o isang high-budget GMA Christmas Station ID shoot.
Charot!
Pero at the end of the day, ang mahalaga: nagkatuluyan na ang dalawa. Congrats, Mr. and Mrs. Guzman!
At oo, officially, Shaira — welcome sa club ng mga may forever!
