Shuvee: I don’t support pre-marital sex

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

NBSB o no boyfriend since birth si Shuvee Etrata.

May mga nanliligaw naman sa kanya, kabilang na riyan ang isang aktor na ibinuking ng kaibigan at dati ring “PBB” housemate na si Ashley Ortega.

Ani Shuvee sa vlog ni Vice Ganda, pinayuhan siya ni Ashley na itigil na ang pakikipag-ugnayan sa sikat na aktor.

Aminado si Shuvee na lapitin siya ng mga lalaki na tila gusto lamang siya “tikman.”

Ang ilan nga raw sa mga ito e diretsahan siyang niyayaya na sumama sa bahay o condo ng mga ito.

Aniya, “Kasi feeling nila, porke taga-isla ako makuha kaagad nila ‘yung virginity. Sometimes ‘yun ‘yung tingin ng lalaki sa akin, dine-devalue nila ako as a woman. Kasi feeling nila, taga-probinsya, kaya nilang loko-lokohin.”

Dahil nga raw dito e, hirap siya magtiwala basta-basta sa isang lalaki.

Sey niya, “Ako talaga, it’s hard for me to trust…Gusto ko rin namang magmahal pero non-negotiable po sa akin ang sex. I don’t support premarital sex.”

Dagdag pa niya, “Ang iba kasi parang gusto rin lang mag-enjoy, magtikiman… I don’t believe in that.”

May bago siyang manliligaw ngayon, ang kapwa Sparkle artist na si Anthony Constantino.

Si Anthony ang personal na sumundo kay Shuvee nang ma-evict ang dalaga sa Bahay ni Kuya.

Sa ngayon, wala pang update na ibinabahagi ang Kapuso star tungkol sa estado ng relasyon nila ni Anthony.

If anything, madalas silang magsimba together.

Yun na!

TAGGED:
Share This Article