Andrea Torres, feeling wife

Tempo Desk
1 Min Read
DEREK Ramsay and Andrea Torres

 

BY ROWENA AGILADA

 

timing tmg tg

 

Nagli-live-in na ba sina Derek Ramsay at Andrea Torres? Sa virtual house tour ni Derek ay kasama niya si Andrea na nag-welcome sa mga manonood.

“Our home,” ani Derek.

Naka-shorts, blouse at tsinelas lang si Andrea.

Tila feeling wife siya habang ipinapakita ni Derek sa mga subscribers ang iba’t ibang parte ng mala-hotel-resort na house niya.

DEREK Ramsay and Andrea Torres
DEREK Ramsay and Andrea Torres

May swimming pool, malawak na garden na parang mini-farm na ani Derek, “For her.”

Sa isang area ng house ay nag-suggest si Andrea na lagyan ng imahe ni Mama Mary na sinang-ayun naman agad ni Derek.

Nang ipakita ni Derek ang mas­ter’s bedroom ay napatili si Andrea nang ituro ni Derek ang nakakalat ni­yang bra!

Buking!

May elevator pa ang house ni Derek na aniya, para sa parents nila na matatan­da na raw. May sariling bedroom doon ang parents ni Derek. Ganun din ang teenage son niyang si Austin.

May guest room din, gym, ser­vant’s quarter, basement, at mala­wak na parking space kung saan makikita ang mga koleksyon ni Derek na kotse.

Ang suwerte naman ni Andrea! Kasal na nga lang ang kulang sa kanila.

Share This Article