Paolo, Pokwang sa TV5, tuloy na!

Tempo Desk
2 Min Read
POKWANG and Paolo Ballesteros

 

BY ROWENA AGILADA

 

*timing tmg tg

 

KASADO na ang mga progra­ma nina Paolo Ballesteros, Jose Manalo at Wally Bayola sa TV5. Gayun din ang tal­ent show ni Ryan Agoncillo.

May progra­ma rin sina Pok­wang at Pauleen Luna-Sotto kung saan magkasama sila sa isang talk show. May isa pang show si Pokwang sa TV5.

WALLY Bayola, Paolo Ballesteros, Jose Manalo
WALLY Bayola, Paolo Ballesteros, Jose Manalo

Balitang marami pang bagong programa sa TV5 ang nagte-tap­ing na. Sa August ang big launch ng mga ito.

 

Di mapigilan?

BEA Alonzo and Dominic Roque (IG)
BEA Alonzo and Dominic Roque (IG)

“Nganga” ang shippers nina Pasig City Mayor Vico Sotto at Bea Alonzo. One day lang sila “kinilig” nang magkita ang dalawa noong nag-donate si Bea ng relief goods para sa mga taga-Pasig at pina­salamatan siya ni Mayor Vico. After that, wala nang bagong development.

Mukhang malapit sa kato­tohanan ang pagsi-ship kina Bea at Dominic Roque. Matagal na silang nali-link sa isa’t isa. Nagkasama pa sila sa trip nila sa Tokyo, Japan.

Nabuhayan ang kanilang ship­pers sa socmed post ni Dominic na although hindi kita ang mga mukha nila ni Bea, obvious namang sila ’yun. Kuha ‘yun sa isang ra­men house sa Japan.

May caption si Dominic na tila nabibighani na siya with matching heart emoji. Hindi na kaya niya mapigi­lan ang kakaibang nararamda­man niya para kay Bea?

Share This Article