Kapamilya programs sa TV Plus, pinahinto na rin

Tempo Desk
2 Min Read
ABS-CBN headquarters in Quezon City. (AFP)

 

BY MELL NAVARRO

 

*

 

OFF the air na rin ang Ka­pamilya channels na umeere sa pamamagitan ng TV Plus.

Ito ay dahil na rin sa bagong cease and desist order ng Nation­al Telecommunications Commis­sion (NTC).

Mula noong gabi ng June 30, wala na sa ere ang Teleradyo, Jeepney TV, Yey!, Asianovela Channel, CineMo, at KBO – mga channels na mapapanood sa TV Plus.

Matatandaang inilipat sa Tel­eradyo/Cinemo ang “TV Pa­trol” and “It’s Showtime” noong nawala sa ere ang Dos. Pero ilang linggo nga lamang nagtagal ito.

Marami pa sanang shows ang ililipat ng pamunuan ng Kapami­lya Network sa digital domain.

Pati ang “Ang Probinsiyano” ni Coco Martin ay mag-iipon na sana ng new episodes para sa binabalak na pag-resume nito sa ere.

Pero ito nga at matapos ang super habang Congressional hearing, dumating ang hatol na ito.

Hindi pa rin sumusuko sa laban ang ABS-CBN.

May nakaambang petition ang network sa Korte Suprema.

Kinukuwestiyon nito ang CDO ng NTC at umaasa silang maded­esisyunan ito sa lalong madaling panahon, in their favor.

Anyway, for Sky Cable sub­scribers, nandoon pa rin ang Kapamilya channels.

Ang iWant streaming service ng network is still on naman.

Pero yun na nga, isang dagok na naman ito para sa ABS-CBN na umaming milyon-milyon na ang nawawalang kita mula nang ipasara ito ng NTC.

Share This Article