Magkatuwang

Tempo Desk
2 Min Read
JOHN Lloyd Cruz, Ellen Adarna, and son Elias Modesto (FB)

 

timing tmg tg

 

 

KUMPIRMADO ang tsismis. Rekta nang inamin ni Ellen Adarna na, indeed, co-parenting na lang ang sitwasyon nila ni John Lloyd Cruz.

Nilinaw ito ng dating model-actress sa isang fan na nagtanong kung bakit na kay John Lloyd ang anak sa kasagsagan ng Enhanced Commu­nity Quarantine (ECQ).

Naisapubliko kasi ito sa Instagram kamakai­lan, sa gitna ng usap ni JLC at Bea Alonzo.

JOHN Lloyd Cruz, Ellen Adarna, and son Elias Modesto (FB)
JOHN Lloyd Cruz, Ellen Adarna, and son Elias Modesto (FB)

Paglilinaw ni Ellen, “He stays with me. He sleeps over his dad’s place twice a week be­cause we co-parent.”

Matagal nang napaba­lita ang hiwalayan ng dalawa pero parehong tahimik ang mga ito sa isyu.

Ilang araw ang nakalipas, umamin si Ellen na may bago na siyang dine-date although long distance nga daw ang re­lationship dahil foreigner ito.

Anyway, sa usap nina JLC at Bea, nasabi ng aktor na pinakamasaya siya kapag kasama niya si Elias. Pero na­lulungkot at natatakot siya for his son. Natatakot siya kung paano niya ito palalakihin sa ganitong estado ng mundo. Pero, yun nga, wala siyang choice.

 

NEW LOOK

DEREK Ramsay (IG)
DEREK Ramsay (IG)

Kakaiba sa na­kasanayan ang hitsura ngayon ni Derek Ramsay.

May buhok ito na sa tingin naman namin e bagay sa kanya.

Plus pogi points at appeal sa hunk actor na for sure, mas lalong ma-i-in love sa kanya si Andrea Torres.

Sarado ang mga barber shop ngay­ong may ECQ, kaya no choice si Derek kundi paha­bain ang buhok.

Share This Article