Bea Alonzo, pahinga muna ang puso

Tempo Desk
3 Min Read
BEA Alonzo (IG)

timing box

 

 

NAKA-MOVE-ON na raw si Bea Alonzo sa break-up nila ni Gerald Anderson. ‘Yan ang sabi niya sa presscon ng isang upcoming movie niya.

BEA Alonzo (IG)
BEA Alonzo (IG)

Ani Bea, na-realize niya na mas marami siyang dapat ipagpasala­mat at maraming mas importante sa buhay niya. Hindi lang naman lovelife ang puwedeng makapag­pasaya sa kanya.

Kapalit ng naranasang heart­break ni Bea ay maraming bless­ings na dumating (at dumarat­ing) sa kanya. Bukod sa may upcoming movie siya, may bago rin siyang teleserye.

Rest muna ang puso niya sa pag-ibig. For now, hindi pa niya kayang magmahal muli, ayon kay Bea. Nali-link siya ngayon kay Dominic Roque. Pero mukhang hanggang friends lang ang label.

 

AAMIN NA?

GERALD Anderson and Julia Barretto
GERALD Anderson and Julia Barretto

Nagkataon lang kaya o si­nadyang may matching wooden rosary bracelets na suot sina Gerald Anderson at Julia Barretto? Iniisip ng ilang netizens na “love bracelets” ‘yun at ispekulasyon nila, malamang ay malapit nang umamin sina Gerald at Julia sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa isang interbyu sa ama ni Julia na si Dennis Padilla ay sinabi nitong inamin sa kanya ni Gerald na nan­liligaw ito kay Julia.

Hinala ng netizens, sinagot na ni Julia ang actor. Itinanggi noon ni Gerald na si Julia ang dahilan ng break-up nila ni Bea Alonzo. ‘Yung malimit daw nilang pag-aaway ,hanggang hindi na sila magkaintindihan ang dahilan, ayon kay Gerald.

Sey naman ni Bea, na-“ghosting” siya ni Gerald. Wala silang closure dahil parang bula itong biglang naglaho.

 

MAWAWALA NA

SUNDAY Pinasaya cast
SUNDAY Pinasaya cast

Sad naman ng Pasko ng cast members ng “Sun­day Pinasaya” pati ng production staff and crew dahil last airing day na ng programa sa December 22. Hindi kaya bumaha ng luha sa pama­maalam ng kanilang show?

Four years sa ere ang SP na ayon sa isang insider, proud and happy ang mga bumubuo ng show dahil mamamaalam sila sa ere na mataas ang rat­ings at maraming commercials.

Ang APT Entertain­ment ang producer ng SP at hindi na nag-renew ng kontrata sa GMA Network. Isang musical-variety show na sta­tion-pro­duced ang ipapalit sa SP na ma­papanood sa first week ng January 2020.

Share This Article