Claudine Barretto, suko na

Tempo Desk
2 Min Read
CLAUDINE Barretto

 

CLAUDINE Barretto
CLAUDINE Barretto

HINDI na umaasa si Claudine Barretto na magkakaayos pa sila ng mga kapatid niyang sina Gretchen at Marjorie. Suko na siya. “Ayoko na, oo. Ayoko na,” sabi niya sa panayam ni Jobert Su­caldito sa DZMM.

Tanggap ni Claudine ang iba’t ibang opinion ng publiko sa kanil­ang family scandal. Aniya, okay lang na hatulan sila dahil sila mismo’y nagug­uluhan sa nangyayari sa kanilang pamilya.

Nagpasalamat na­man si Claudine sa mga taong nagdasal na sana’y maayos na ang kaguluhan sa kanilang pamilya.

Sa interbyu naman ni Nelson Can­las sa “Saksi” sa GMA7, inamin ni Claudine na nahihirapan siyang tanggapin ang pagkawala ng kanyang Daddy (Miguel) dahil sa gulo. Ani Claudine, hindi siya okay dahil alam niyang hindi masaya ang daddy niya sa mga pangyayari.

May video post pa si Claudine na umiiyak siya sa harap ng puntod ng yumao niyang ex-boyfriend na si Rico Yan. Ang caption ni Claudine, “Rico pls. help me. Take care of Daddy.” May background song pa ni Martin Nie­vera ng “Kahit Isang Saglit.”

Say ng neti­zens, parang si Angel Locsin si Claudine na hindi pa rin na­kakalimutan ang yumaong boyfriend na si Miko Sotto. Kapag birthday o death anniversary ni Miko, nag-aalay ng dasal at bulaklak si Angel sa puntod nito. (ROWENA AGILADA)

Share This Article