Jameson Blake na-friendzone

Tempo Desk
3 Min Read
JAMESON Blake (FB)

timing box

 

 

NA-FRIENDZONE si Jameson Blake kay Elisse Joson. Anang huli sa “Tonight With Boy Abunda,” kahit na kay Jameson ang mga ka­tangiang hinahanap niya para sa magiging boyfriend, friendship lang ang kaya niyang i-offer kay Jameson.

They went out for a cou­ple of times. Pero hindi naman nag-“I love you” sa kanya si Jameson. Sa mommy daw niya sinabi ni Jameson na gusto siyang maging girlfriend nito. Ano ba ‘yun?

JAMESON Blake (FB)
JAMESON Blake (FB)

Inamin ni Elisse na sobrang na-hurt siya sa break-up nila ni Mc­Coy de Leon. Mukhang hindi pa totally na­ka-move-on si Elisse dahil aniya, hindi sila nagpa­pansinan ka­pag nagkikita sila ni McCoy by chance.

Sinabi rin ni­yang never nag-attempt si McCoy maki­pagbalikan matapos silang mag-break. Nang tanungin siya ni Boy kung sakaling nag­tangka si Mc­Coy, bibigyan ba niya ito ng second chance? “Hindi na siguro,” sagot ni Elisse.

Mukhang malalim ang dahilan ng kanil­ang hiwalayan,kaya so­brang na-hurt si Elisse. Sino kaya ang nang-iwan, kanino?

Sa tanong ni Boy kung ano’ng masasabi ni Elisse sa pahayag ni Mc­Coy na gusto nitong ligawan si Miles Ocampo, okey lang,ani Elisse. La­bas na siya kung anu­man ang gustong gawin ng kanyang ex-boy­friend.

 

NAG­PAKA­MATAY

Iza Calzado
IZA Calzado

For the longest time, inili­him ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng mommy ni Iza Calzado noong 2001. Pinapaniwa­lang kanser ang ikinamatay nito.

Binasag ni Iza ang katoto­hanan na aniya, nagpakamatay ang kanyang mommy, ayon sa ulat ng PEP. Maraming beses daw itong nagtang­kang magpakamatay.

May mental illness condition ang kanyang mommy na ani Iza, nasaksihan niya noong bata pa siya ang pabagu-bagong mood nito. Nagkaroon ng depres­sion ang kanyang mommy sanhi ng sunud-sunod na trahedyang naranasan.

Na-diagnose na bipolar ang kanyang mommy, kaya paiba-iba ang mood nito. Nagkaroon si Iza ng stigma na “baliw” ang kanyang mommy.

Sinabi ni Iza ang totoong dahi­lan ng pagkamatay ng kanyang mommy dahil gusto niyang makat­ulong sa mga taong may mental illness condition at sa pamilya ng mga ito. Gusto niya i-share ang pinagdaanan niyang healing journey. Marami ang humanga sa katapangan ni Iza na sabihin ang totoong dahilan ng pagkamatay ng kanyang mommy.

Share This Article