Kinaiinggitan?

Tempo Desk
2 Min Read
MARIAN Rivera and Dingdong Dantes

rowena agilada timing

 

 

 

MARIAN Rivera and Dingdong Dantes
MARIAN Rivera and Dingdong Dantes

SUPER blessed ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kinaiinggitan ang Royal Couple dahil happy family na, maganda pa ang takbo ng kanilang respective careers.

Kahit time-out muna si Marian sa paggawa ng teleserye, sunud-sunod naman ang kanyang product endorsements. Si Dingdong naman, may ongoing teleserye, ang “Cain at Abel.”

By the way, magkatrabaho sa “Cain at Abel” ang ex-boyfriend ni Marian na si Ervic Vijandre at Dingdong. Just curious, ano kayang feeling nila noong first time sila nagkita sa set? May awkward moment kaya? Willing din kaya si Marian makatrabaho ang kanyang ex-BF sa future projects ng GMA7?

 

ISSA Pressman (IG)
ISSA Pressman (IG)
DERRICK Monasterio (IG)
DERRICK Monasterio (IG)

OBER DA BAKOD

May something in common si Derrick Monasterio at Sam Milby.

Ang ex-girlfriend ni Derrick na si Issa Pressman (younger sister ni Yassi) ay may karelasyon na ngayong babae, si Marga Vermudez isang singer.

Ano kayang reaction ni Derrick na inamin ni Issa na isa siyang bisexual?

Naalala namin ang ex-girlfriend ni Sam na si Marie Jasmin na may karelasyon na rin ngayon na belong din sa LGBT community.

Iba na talaga ang panahon ngayon. Sabagay, kung saan ka masaya sa gender preference mo, go! Happy lang!

 

KEN Chan
KEN Chan

HATI

Hati ang fans ni Ken Chan sa “My Special Tatay.” May Team Ken-Rita, may Team Ken-Arra. May mga gustong si Rita Daniella ang makatuluyan ni Ken, meron namang pro-Ken-Arra San Agustin.

In any case, thankful si Ken na marami ang sumusuporta sa “MST” at nakakataba raw ng puso ang magandang feedback at ratings nito.

Share This Article