Sunshine, nilinaw ang pagtalon

TEMPO Online
2 Min Read
SUNSHINE Cruz

Mariing pinabulaanan ni Sunshine Cruz ang paratang na tumalon siya sa GMA-7 nang walang paalam sa ABS-CBN.

sunshine

Ani mga detractors ng 41-year-old hot momma, hindi raw marunong tu­manaw ng utang na loob sa­mantalang binigyang buhay muli ng ABS CBN ang kanyang career.

Ng makapanayam namin si Sunshine kamakailan nilinaw niya, “Nagpaalam naman po kami nang maayos sa ABS-CBN. Hindi totoong basta na lang akong umalis. Hindi naman ako bastos.”

Dagdag pa niya, “Malaki ang utang na loob ko sa ABS-CBN. Nabuhay ko nang maayos ang kids ko dahil sa series na gina­wa ko sa kanila. Pero kasi sig­uro ang hindi alam ng mga tao, non-exclusive naman po talaga ako with them and puwede ako kahit saan magtrabaho.”

Pinaalala ni Sunshine na sin­gle mom siya at siya lamang ang bumubuhay sa kanayang mga anak sa estranged husband niyang si Cesar Montano.

Aniya,“Sana mau­nawaan ng mga tao na I need to work, hindi ko afford na mabakante lalo na kakabukas na naman ng bagong school year.”

Excited si Shine sa pagbabalik niya sa Ka­puso network via “Ka­pag Nahati Ang Puso,” which starts airing on July 16.

“I’m very excited and blessed na na­kabalik ako dito kasi hindi lahat, alam na dito tala­ga ako nagsimula, sa ‘That’s Entertain­ment,’ and I was with ‘GMA Supershow’ din ‘di ba? And before ako ikasal merong se­ries ‘yung GMA nu’n yung ‘L,’ kasama din ako du’n so I’m really happy to be back.”

-Delia Cuaresma

TAGGED:
Share This Article